Martes, Enero 3, 2012

EL FILI KABANATA 12 - PLACIDO PENITENTE

1. Paano mo iuugnay sa kasalukuyan ang pamamaraan ng pagtuturo noon?
2. Ano nga ba ang kalayaang akademiko? mayroon pa ba nito ngayon?
3. Bakit nais tumigil ng pag-aaral ni Placido Penitente?
4. Ano ang kahulugan ng pangalang Placido penitente? magsaliksik tungkol dito.
5. Ipaliwanag: Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat tao.

Huwag kalimutan ang sumusunod:  buong pangalan, seksyon , at oras ng pag komentaryo;

EL FILI- KABANATA 10 - KAYAMANAN AT KARALITAAN

1. Ipaliwanag ang salawikain:

             " Kahoy mang babad sa tubig kapag nadarang ay nagdiringas." maiuugnay mo ba ito sa buhay ni Tales?

2. Anong pangyayari sa buhay ngayon ang maitutulad mo rito?
3. Magsaliksik kung paano nakapagpapalawak ng lupain ang korporasyon ng mga prayle noon.

 Huwag kalimutan ang mga sumusunod; isulat ang buong pangalan, seksyon, anong oras ka nagbigay ng komentaryo.. Sampung puntos ang bawat bilang na may sagot..    ayusin ang inyong pagsagot!!!

Baliktad ba talaga mag-isip ang Pinoy ?

        Ang blog na ito ay para sa mga Pilipinong nakakaunawa sa kanyang sariling pagkatao at pagbigay ng  kanyang sariling palagay, sa mga isyung pinag-uusapan, kahit na baligtad ang pag-unawa sa paksa, pero makabuluhan at malalim ang pinaghugutan ng kanyang sariling dahilan.    
           
           Isipin ninyo ang mga pangyayari sa inyong buhay.... hmmmmmm.... na isip muna ba? mga pangyayaring tama o mali at paminsan binabaliktad natin para maging katawanan o maging iba lang... hmmmmmm. naisip n'yo ba? na maraming tao naiinis, nayayamot dahil sa iyong baliktad na pag-iisip. pero, dito sa blog na ito. ikaw ay malayang mag-isip, malayang magbigay ng baliktad na kadahilanan na may malalim na maaaring maging hudyat na debate at tatadtarin sa sangkalan ng pag-iisip at pag-unawa.

           ALI NA!!!!!  KOMENTARYO NA BAY!!!!!