Martes, Enero 3, 2012

EL FILI KABANATA 12 - PLACIDO PENITENTE

1. Paano mo iuugnay sa kasalukuyan ang pamamaraan ng pagtuturo noon?
2. Ano nga ba ang kalayaang akademiko? mayroon pa ba nito ngayon?
3. Bakit nais tumigil ng pag-aaral ni Placido Penitente?
4. Ano ang kahulugan ng pangalang Placido penitente? magsaliksik tungkol dito.
5. Ipaliwanag: Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat tao.

Huwag kalimutan ang sumusunod:  buong pangalan, seksyon , at oras ng pag komentaryo;

11 (na) mga komento:

  1. Margarito D. Benavente Jr. Time Log-in: 8:40 pm
    IV- Arellano

    1. Noon ang kanilang sistema ay bulok. Kapangyarihan ng mga mayayaman ang hari o mataas sa pag-aaral. Malayong-malayo sa panahong ngayon na ang mga marka ay pinaghihirapan at ang mga guro ay hindi lumiliban kung may pyesta.

    2.Ang kalayaan ng mga guro at mga mag-aaral upang ipahayag ang kanilang mga ideya sa paaralan nang walang relihiyon o pampulitika o institutional paghihigpit. Sa kasulukuyan mayroon pa ang kalayaang akademiko ngunit pumapasok ang pagsusulsul ng pulitiko, relihiyon pagdating sa pera at pagtulong sa estado ng buhay.

    3. Gusto ni Placido Penitente na tumigil sa pag-aaral dahil sa diskriminasyon at pagpapabor ng mga guro sa mga studyanteng kastila. hindi na nga sila patas magtrato ng studyante, di pa sila marunong magturo.

    4. Ang kahulugan ng Placido ay kapayapaan, mahinahon at kalmado. Ang Penitente naman ay pagdurusa.

    5. Ang edukasyon ay mahalaga upang maiwasan ang kamangmangan. Ang layunin ng edukasyon na turuan ang bawat bata para sa tuwid at tamang landas. Sa kabuuan, ang edukasyon ay nakakatulong sa atin upang hubugin ang ating kakayahan at kasanayan. Edukasyon rin ang susi sa kaunlaran.

    TumugonBurahin
  2. Shermin P. Valerio IV-Arellano (9:15pm)

    1)May iba't-ibang pamamaraan ang pagtuturo noon maging sa kasalukuyan. Ngunit naniniwala ako na meron paring kaugnayan ang bawat isa sa kabila ng pagkakaiba nito.
    Tulad na lamang ng uri ng pagtuturo sa kasalukuyan, kahit meron ng mga panibagong estratehiya na ginagamit ng karamihan sa mga guro hindi mo pa rin maiaalis na sumusunod sila sa mga teoryang nakaagapay dito. Gumagamit pa rin sila ng "chalkboard at eraser" sa bawat silid-aralan na aking nakikita sa tuwina. kahit meron ng mga panibagong teknolohiya, ay wala pa rin kung ikukumpara sa mga gurong handang magsalita, maubos man ang boses maibahagi lang ang mga tuntuning dapat makuha ng kanyang mag-aaral. Saludo pa rin ako sa tinatawag nila ngayong "Traditional Teaching" Kung baga ang nakaraang pagtutro na ating nakasanayan.

    2)Batas o dekreto ng estado ng Pilipinas na pagsalakay at pag-atake sa karapatan ng taumbayan na magpahayag, maglathala, mag-organisa at lumahok na mapayapa sa pangkabuhayan,pang-edukasyon at maging pampulitikang pamamalakad sa bansa.

    3)Apat na taon nang siya’y nag-aaral ngunit di pa siya nakikilala at napapansin ng mga guro gayong lagi siyang nag-aaral ng leksyon. Hindi sana gaanong masakit sa kanya kung siya’y walang hangad kundiang pumasa. Ngunit siya’y matalino, ibig niyang matuto. Siya ang idolo sa katalinuhan sa kanilang bayan.

    4) Ang kahulugan ng Placido ay mahinahon, samantalang ang Penitente ay pagdurusa.

    5)napakahalaga ng edukasyon sa bawat tao sapagkat ito lang ang natatanging kayamanan na hindi nanakaw ng sino man. Ito ay magagamit mo kahit saan ka man magpunta.

    TumugonBurahin
  3. Isaiah Luigi Valisno
    Iv-Arellano
    9:25pm


    EL FILI KABANATA 12- PLACIDO PENITENTE


    1. Ang pamamaraan ng pagtuturo noon ay malaki ang naibahagi sa pamamaraan ng pagtuturo ngayon. Ito ang naging basehan sa pag-unlad ng edukasyon.
    Noon, limitado ang mga istratahiya ng pagtuturo at hindi pantay ang antas ng pagtuturo ngunit kahit papaano ito ay nagbunga at naging maunlad ang edukasyon lalo na't mas madami na ang naituturo at mas napapadali ang pagtuturo dahil sa mas mataas ang na ang lebel ng teknolohiya ngunit gayunpaman ang mga mag-aaral ay unti-unti naman ring naiimpluwensyahan sa mga bagay na nakakabawas sa pokus at atensyon sa pag-aaral.

    2. Ang kalayaang akademiko ay ang kalayaan ng bawat isa ( sa talakayan ) na mag pahayag ng kanilang kaalaman at idey at sa pamamahagi nito ay walang paghihigpit. Sa ngayon, buhay pa ito at malaki ang naitutulong ng ganitong pamamaraan sa pagunlad ng edukasyon. Interesado pa naman ang mga Estudyante kapag napupuri o nabibigyang karangalan ang kanilang mga binibigay na mga sagot o pahayag.

    3. Hindi na kinaya ni Placido ang kahirapan ng kanyang kalagayan sa naturang paaaralan. Hindi maganda ang trato sa kanya at hindi pantay ang privilages ng bawat isa.. Lalo pa't nadadagdagan ang kanyang paghihirap dahil sa mga pang-aap. Sa madaling salita, nawalan na ng gana si Placido na mag-aral.

    4. Ang ibig sabihin ng Placido ay kapayapaan at ang Penitente naman ay kahirapan o pagdurusa

    5. Karapatan ng bawat isa ang matamo ang sapat na edukasyon at dapat itong pahalagan upang maging edukado at hindi maging pabigay sa lipunan. nakakatulong ito sa kapwa sa pamamagitan ng pamamahagi ng kaalaman at sa lipunana naman bilang pagseserbisyo. Mas magiging maunlad ang buhay ng isang indibidwal kung siya ay maaraaaming kaalaman .

    TumugonBurahin
  4. Mark Anthony C.Enriquez IV-Arellano 9:48 pm

    1.)Paano mo iuugnay sa kasalukuyan ang pamamaraan ng pagtuturo noon?
    Ang pagtuturo noon at ngayon ay pwede nating iugnay pero meron talagang malaking kaibahan . May mga guro na istrikto noon at ngayon hindi talaga natin ito maiiwasan pero may kaibahan sila , ngayon ay hindi na sila pumapalo ng mga estudyante kapag may nagawang hindi maganda ang isa sa mga ito ngayon ay sa halip papaluin ay bibigyan nila ito ng mga payo na hindi na dapat ulitin ang ginawa nito . Isa rin dito ay ang mga estudyante noon ay hindi pwedeng magsalita samantalang ngayon ay pwede ng makasalita ng kahit anong saloobin tunkol sa kanilang paksa na itinatalakay nila

    2.)Ano nga ba ang kalayaang akademiko? mayroon pa ba nito ngayon ?
    Ang kalayaang akademiko ay isang patakaran na ang isang mag-aaral ay pwedeng makapagsalita tungkol sa Paksa na kanilang itinatalakay gaya ng mga estudyante ngayon na pwede silang mag ulat , mag tananong at kahit ano pang gustong gawin nila basta tungkol ito sa paksa . Ang kalayaang akademiko ay mayroon pa ngayon dahil kaming mga mag-aaral ay pwede naming masabi ang aming mga hinain tungkol sa mga aralin . Pwede naming gamitin ang mga sarili naming bibig na mag salita dahil sa panahon natin ngayon ay may kalayaan na tayong mag pahayag ng kahit anong saloobin o hinain .

    3.)Bakit nais nang tumigil ni Placido sa pag-aaral?
    Apat na taon nang siya’y nag-aaral ngunit di pa siya nakikilala at napapansin ng mga guro gayong lagi siyang nag-aaral ng leksyon. Hindi sana gaanong masakit sa kanya kung siya’y walang hangad kundiang pumasa. Ngunit siya’y matalino, ibig niyang matuto. Siya ang idolo sa katalinuhan sa kanilang bayan.

    4.)Ano ang kahulugan ng pangalang Placido Penitente?
    Placido: Kalmante o mapayapa at penitente ay nagdurusa

    5.)Ang Edukasyon ay mahalaga sa bawat tao dahil malaki ang maitutulong nito , sabi nga natin na ang edukasyon ang susi ng tagumpay . Talagang totoo ito dahil marami na akong na saksihan na mga tao na naging matagumpay sa buhay . Ang edukasyon ay hindi mananakaw sa atin di gaya ng mga material na bagay kaya dapat tayong mag-aral ng mabuti dahil dito nakasalalay ang ating kinabukasan hindi dapat tayo maging tamad , bulakbol sa klase , dapat tayong magsikap para matapos natin ang ating pag-aaral at makamit ang ating mga mithiin sa buhay .

    TumugonBurahin
  5. sa mga nagbigay ng puna. Enero 4, 2012,nabasa ko na ang mga sagot ninyo. isa kayong huwaran ng inyong mga kaklase. bawat puna / sagot ay 20 pts.. maghanda sa lunes para sa malayang talakayan tungkol sa kabanata 12.

    TumugonBurahin
  6. Jhonabylle S. Manzano , IV-Arellano , 9:26 PM

    1. Ang pamamaraan ng pagtuturo noon at ngayon ay may kaunting pagkakapareho. Katulad na lamang ng pagbabasa ng talaan ng mga pangalan ng mga mag-aaral at sasagot ang bawat isa ng "narito po". Ngunit may hindi rin maganda ang pamamaraan ng pagtuturo noon. Hindi pinapansin o binabalewala lang ng mga propesor ang mga mag-aaral na hindi gaanong matalino sa klase. Bukod doon ay wikang Kastila din ang kanilang ginagamit sa pagtuturo imbis na ang sariling wika.

    2. Sa aking palagay, ang kalayaang akademiko ay ang kalayaan ng isang tao upang ibahagi ang kanyang nalalaman o ang kanyang sariling opinyon sa iba. Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa, ang bawat isa ay may karapatan at kalayaang imungkahi ang kanyang saloobin at opinyon.

    3. Sa pagkakaintindi ko sa aking nabasa, nais niya ng tumigil sa pag-aaral dahil sa hindi pagkakapantay-pantay ng pagtrato sa mga estudyante sa kanyang paaralan.

    4. Sa aking pagsasaliksik, ang Placido ay nangangahulugang tahimik at ang Penitente naman ay pagdurusa. Sa makatuwid ang ibig sabihin ng Placido Penitente ay tahimik na paghihirap, maaari ring ito ay isang hinanakit na hindi nilalabas.

    5. Ang edukasyon ay mahalaga sa isang tao dahil dito nakasalalay ang kanyang kinabukasan at kung ano ang maaari niyang kahihinatnan dito sa mundo. Ito rin ay magsisilbing sandata natin laban sa mga taong nang-aapi sa atin.

    TumugonBurahin
  7. frances marey sayson
    IV arellano jan 05,2012


    1.ang pamamaraan noon ay sadyang hindi maayos,dahil ginagamitan ng kapangyarihan.ngayon ay malayang-malaya na ang mga mababa na maka pag aral.
    2.ang kalayaang akademiko ay paraan kung saan pwede mag pahayag ang mga mag-aaral sa kanilang mga nalalaman o sariling opinyon.sa ating bansa meron ang kalayaang akademiko.
    3.gustong tumigil c Placido sa pag-aaral,dahil sa pagtrato sa kanyang ng mga guro.
    4.ang kahulugan ng placido ay kapayapaaan o mahinahun at ang penitente ay pagdurusa.
    5.ang edukasyon ay mahalaga sa bawat tao dahil sa edukasyon nakasalalay ang kapalaran ng bawat tao.At ito lang din ang maibibigay na kayamanan ng ating mga magulang.

    TumugonBurahin
  8. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  9. Jose Brian A. Gelbolingo
    IV-Arellano
    Jan 6, 2012 (9:38pm)

    1. Dati po, ang sistema ng pagtuturo nila ay hindi pagkakapantay pantay ng mga mayayaman at mga mahihirap kasi pag ikaw'y mayaman, ang nagtuturo ang magfofocus sa iyo dahil sa pera lang.

    2. Meron pa po ito ngayon, dahil ngayon ang mga estudyante ang minsan nag aadvance study kaya paminsan minsan po ay ibinabahi ng mga estudyante ang kanilang mga konting alam sa kanilang guro o nagtuturo.

    3. Siya ay nagkasuklam sa kanyang prayleng guro dahil masama ang kanyang pagtrato kay Placido Penitente

    4. Placido - Kapayapaan
    Penitente - Pagdurusa

    5. Mahalaga ang edukasyon sa bawat tao dahil ang edukasyon ang susi ng ating kapalaran at isa ito sa ating mga gabay para malaman natin kung ano ang bawat bagay-bagay at mahalaga rin ito dahil ito lamang ang ating sandata sa ating kinabukasan

    TumugonBurahin
  10. Christian John T Uy
    IV - Arellano
    Enero 7 2012 ( 1:40 pm )

    1 . Kakaunti lang ang pagkakaiba ng pag-aaral nuon at ngayon . Ang pagkakaiba lamang ay idinadaan ng mga estudyante sa pera , kapangyarihan at reputasyon ang marka at hindi ito makatarungan para sa mga mahihirap lalo na kung gagamitin sa panahon ngayon na halos mahihirap ang nakatira sa Pilipinas .

    2 . Ang kalayaang Akademiko ay isang estilo sa mga paaralan na may karapatan ang mga mag-aaral na isabi ang kanilang mga na-isip na walang nagagalit o nagbabawal . Meron pa ito sa ngayon at sa katunayan nga itong sinasagotan ko ngayon ay isang paraan ng kalayaan Akademiko .

    3 . Gusto niyang huminto sa pag-aaral dahil hindi niya gusto ang paraan ng edukasyon at sa isip ko ay ayaw rin niya maging isang produkto ng bulok sistema na ito .

    4 . Ang kahulugan ng Placido Penitenti ay Mapayapang pagdurusa .

    5 . Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat tao dahil ito makakatulong sa pagtuklas ng mga natatago mong talento , pagpapalawak ng iyong kakayahan , nagpaparami ng iyong karunongan at nagpapadali sa paghahanap ng trabaho

    TumugonBurahin
  11. ito lang ang mga mag-aaral ang makakatanggap ng puntos. dito magtatapos ang pagkomnetaryo ninyo sa iniwang katanungan. january 8, 2012, 8:21 ng gabi.

    TumugonBurahin